playing card (plé•ying kard) 1: isa sa kumbensiyonal na set ng limampu’t dalawang baraha na may apat na suit, at ginagamit sa laro o sugal 2: teks.
punch card (pants kard) : kard na may mga bútas o tiyak na mga posisyon at padron, upang maipakíta ang datos na ilalagay o gagawin sa paraang mekanikal o elektrikal.
identification card (ay•dén•ti•fi•kéy• syon kard) : bagay na pagkakakilanlan, karaniwang gawá sa karton, at nakalamineyt
yellow fever (yé•low fí•ver) : sakít na nakamamatay dulot ng kagat ng lamok (Aedes aegypti) na karaniwan sa mga pook na tropikal
trump card (trámp kard) : alinman sa mga baraha na pinili ng mga nagsusugal at maaaring gamitin sang-ayon sa bílang o suit na kailangan ng may hawak nitó.